Mood:
Now Playing: Moolight Sonata by beethoven
Tauhan:
Juan-isang ulirang ama na nalulung sa droga
Ana-Asawa ni Juan
Anne-Nagiisang anak nina Juan at Ana
Aling Imen-Kapitbahay nina Juan
Nanay-Ang magulang ni Juan na gimising sa pagkakatulog
Tagpo:
sa isang panaginip
-----------------------------------------------------
Si Juan ay isang ulirang ama, may mabuting asawa at anak, wla na syang hahanapin pang iba. Kilala si Juan sa kanila bilang isang mabuting kaibigan, alam nyo ba kung bakit? dahil sa mapagbigay ito, ang problema lang sa kanya ay masyado syang mabarkada.
Isang araw, niyaya sya ng kanyang mga kumpare sa isang inuman, nung una di pumayag si Juan pero di na sya nkatanggi dahil baka sabihin ng mga kasamahan nito ay wla siyang pakisama, dito na nagsimula ang bisyo ni Juan mula sa pagiinom ng alak, paninigarilyo, at pambababae di narin nakaiwas si Juan sa paggamit ng bawal na gamot. Dito na tuluyang nawasak ang buhay ni Juan, nawalan na ng trabaho nwalan pa ng mga kaibigan dahil nga sa pagkalulung nito sa droga at pagkabaon nila sa utang, mahirap talaga ang buhay ng mga adik, ilang beses na syang pinagsasabihan ni Ana (asawa ni juan)ngunit lagi lamang nitong sinasaktan si Ana. Isang hapon nang papauwi na siya ng bahay, nakasalubong nito si
aling Imen na kimakaripas ng pagtakbo patungo kay Juan. Nagulat at natulala si Juan sabihin sa kanya ng kapitbahay ang sinapit ng kanyang mag-ina sa kamay ng isang sindikato na pinagkakautangan nya,
ayon sa kapitbahay nagkaroon daw ng kaguluhan sa bahay nila, at narining ang pinagtatalunang bayad sa utang, pilit daw kinukuha ng mga di kilalang tao ang mga gamit nila, ngunit hinarang sila ni Ana, hindi kinayang harangan ni Ana ang mga kriminal, walang awa siyang pingbababaril ng kriminal, tatlong putok ang narinig ng mag kapitbahay, ang dalaway tumama sa katawan ni Ana at ang huling putok ng baril ay ang siyang kumitil sa buhay ng kanyang anak na si Anne.
Di makapaniwala si Juan sa nabalitaan, agad-agad siyang umuwi ang bahay, puno ng mga ususero ang labas ng bahay, duguan ang daanan agad na pumasok si Juan sa loob ng bahay, natambad sa harapan niya ang wlang buhay na anak, hinanap ni Juan si Ana nakita nitong gumagapang ito papunta ng kusina, agad na binuhat at dinala ito ni Juan sa ospital. Halos mabaliw sya sa nangyari, kung di lang daw sya nalulung sa masamang bisyo ay di mangyayari ang masamang panaginip na ito. Salamat sa diyos at nabuhay si Ana, buong pusong pinagsisihan ni Juan ang nangyari, ngunit ano pa ang magagawa ng kanyang pagsisisi wala na... patay na ang anak nito dahil sa tama sa ulo, dalawang taon ang lumipas matapos siyang maipadala sa rehabilitation center, paglabas niya'y ay niyakap siya ng kanyang Asawa atng kanyang pangalawang Anak na ipinagalanan nilang Anne mula sa nasira nilang panganay.
Gising Juan! Gising! nagising si Juan at nakita ang nanay niyang may dalang timba ng tubig na ibubuhos sana sa kanya para magising, buti nalang at di natuloy kundi maagang naligo si Juan, isang panaginip lang pla ang lahat, parang isang bangungot ang nangyar. Naikwento ni Juan ang lahat ng nangyari sa kanya sa kanyang nanay, dise-otso palang si Juan pro naging isang babala para sa kanya ang nangyari,
Ipinangako nitong di na kaylanmang mauulit ang mga nangyari, kahit panaginip lang ay pinagsisisihan nito ang nangyari. At dyan ng tatapos ang kwento ng buhay ni Juan, sana makapulutan nyo ito ng aral, salamat sa pagbabasa.^_^
Posted by Exodus
at 9:35 PM WST